PANGALAGAAN ANG IISA NATING MUNDO
sa isang sasakyan ay mayroong abiso
isang paalala sa ating kapwa tao
nasusulat: "Iisa lang ang ating mundo"
dagdag: "mahalin at ingatan natin ito"
dapat bang tayo'y maging environmentalist?
o mag-aral at tayo'y maging ecologist?
upang alagaan natin ang kalikasan
upang ating linisin ang kapaligiran
upang plastik ay mawala sa karagatan
upang basura'y mawala sa kabundukan
batid na ba kahit di tayo ecologist?
unawa ba kahit di environmentalist?
dapat nga'y nagkakaisa tayong kumilos
upang mapangalagaan nga nating lubos
ang ating kapaligirang kalunos-lunos
at tahanang kalikasang nanggigipuspos
- gregoriovbituinjr.
06.12.2024
* litratong kuha ng makatang gala mula sa isang komunidad ng maralita sa Rizal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento