LAROSALITA
1
TULA, TULI, TULO
iyong tingnan ang mga salita
TULA ang kinatha ng makata
TULI sa mga nagbibinata
TULO kapara'y uhog at luha
2
ANTAK, ANTIK, ANTOK
ANTAK na ang aking mga sugat
ANTIK pa ang gasang inilapat
ANTOK na't ang daliri'y nakagat
nang magdugo'y di agad naampat
3
BANTA, BENTA, BINTA
BANTA raw ang natatanggap niya
dahil sa kalakal, walang BENTA
tumakas siyang sakay ng BINTA
sa dagat, naghabulan talaga
- gregoriovbituinjr.
06.13.2024
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento