NASA BOOKSALE NG SINTA
pag napapadako sa BookSale, ako'y papasok na
ang kaibhan lamang ngayon, si misis na'y kasama
marahil noon pa sa akin siya'y nagtataka
bakit bukstor ang napili kong tambayan tuwina
pagkat dito'y nakadarama ng kapayapaan
na para bagang ako'y nasa sariling tahanan
pag may bukstor, papasukin at papasukin iyan
upang luma't bagong aklat ay makita't malaman
minsan, pag usapan ng kitaan, sa BookSale tayo
habang naghihintay, nagbabasa ng libro rito
madalas aklat-literatura'y nabibili ko
mura, bihira, rare book, collector's item pa ito
salamat sa BookSale kami'y nagkasama ni misis
kaya aking nadama'y kasiyahang anong tamis
- gregoriovbituinjr.
05.14.2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento