MUSLAK PALA ANG SALIN NG NAIVE
ang kanyang katangian ay payak
kung umasta't mag-isip ay muslak
nakatayong uhay sa pinitak
na di dapat gumapang sa lusak
nakita ko rin ang wastong salin
ng NAIVE na dapat kong gamitin
na dagdag-kaalaman sa atin
at maganda nang palaganapin
noon, sa pagkaunawa ko lang
ang salin ko'y walang pakialam
kahulugan pala'y walang muwang
mabuti't salita'y natagpuan
ang MUSLAK pa'y inosente't musmos
salin itong gagamiting lubos
ngayon ako na'y makararaos
upang sinasalin ay matapos
- gregoriovbituinjr.
05.17.2023
* mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.803
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento