SA KABUNDUKAN
muling dumatal sa kabundukan
ang tagapatag na mamamayan
lumayo muna sa kalunsuran
kamag-anakan ay pinasyalan
ulap ay nasa rabaw ng bundok
na di ko pa naabot ang tuktok
ngunit ingat lang sa mga lamok
baka dengue pa ang makatusok
animo'y piging ang naririnig
nagsasaya ang mga kuliglig
awitan nila'y nakakaantig
huni ba nila'y iyo ring dinig
munti man ang bidyo kong hinabi
kaysa wala, ito na'y mabuti
at dito'y muling nagmuni-muni
palagay ay sa tula sinabi
- gregoriovbituinjr.
08.24.2024
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://fb.watch/uetS4p1vtl/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento