ANGEP
kung kayganda ng araw kahapon
nang dumatal na ang dapithapon
kaytindi ng fog o angep ngayon
tila kabundukan nga'y nilamon
dama na ng katawan ko'y lamig
dapat nang magdyaket, nanginginig
animo ako'y nagpapalupig
sa ginaw, hamog at halumigmig
di ko na matanaw ang kaharap
na bundok sa kabila ng ulap
pagkat angep na ang yumayakap
sa nayon ng maraming pangarap
papasok muna ako ng bahay
umaambon na't di na palagay
at sa munting dampa'y magninilay
nang may tula muling maialay
- gregoriovbituinjr.
08.23.2024
* angep - salitang Ilokano sa fog
* mapapanood ang ilang segundong bidyo sa kawing na: https://fb.watch/uddMkNQbs7/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento