LARONG DIKDIKAN NG UTAK
dikdikan ng utak ang larong chess
dapat utak sa laro'y mabilis
mga tira'y suwabe, makinis,
matulis, kalaba'y tinitiris
chess super grandmaster na totoo
kaya ako sa kanya'y saludo
galingan mo, kabayang Wesley So
sa Romania'y maglalarong todo
kaytaas ng iyong ELO rating
at pangsiyam ka pa sa world ranking
ipakita mo ang iyong galing
at kampyonato'y iyong angkinin
sa chess, dapat kang maging matibay
lalo't kalaban ay kayhuhusay
kami'y taasnoong nagpupugay
sa iyo, mabuhay ka, mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
05.09.2024
* ulat mula sa pahayagang Abante, ika-2 ng Mayo, 2024, pahina 11
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento