NGAYONG EARTH DAY
halina't tayo'y magsikilos
para sa kalikasang lubos
at nang masa'y makahulugpos
sa sistemang mapambusabos
kapitalismo'y mapangyurak
dignidad ng tao'y hinamak
dukha'y pinagapang sa lusak
ang kalikasan pa'y winasak
ngayong Earth Day ay magkaisa
upang baguhin ang sistema
dignidad ay bigyang halaga
kapitalismo'y palitan na
protektahan ang sambayanan
hanggang maitayo ng bayan
yaong makataong lipunan
at maayos na daigdigan
- gregoriovbituinjr.
04.22.2024
* litratong kuha ng makatang gala sa Global Climate Strike, na ginanap sa Liwasang Aurora, Quezon City Memorial circle, Setyembre 20, 2019.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento